Friday, June 26, 2009

Mamamatay ka na Kaya?

Kamamatay lang ni Michael Jackson. Gusto mo na bang sumunod? E pa'no mo naman malalaman kung susunod ka na? Pa'no kaya kung mamatay ka ngayon, Ano kaya'ng sasabihin mo kay San Pedro pagsalubong niya sa'yo? "San Pedro, ibalik niyo muna ako, may gagawin pa po ako!" O dili kaya'y,"San Pedro, salamat naman at iniahon mo na ako sa impyernong iyon!" Swerte ka na lang din kung si San Pedro nga ang masalubong mo.

Kung ako ang tatanungin, gusto kong mamatay nang nakangiti. Kasi kung mamamatay akong nakangiti, para bang ang saya-saya ko pagdating ko sa langit (kung do'n nga ako tutungo!). pa'no ba'ng mamatay nang nakangiti? Simple lang, gawin mo na lahat ng gusto mong gawin. Carpe Diem. Lubusin ang bawat araw. Siguro ito 'yung isang itinuro ni Mr. Tejadang 'di ko maalis sa isip ko. Kasi para bang hinahamon akong mamatay nang nakangiti. Mahilig akong tumawag sa mga kaibigan ko at mag-blog gaya rito. Parang si Aya (nagsulat ng One Liter of Tears), natatakot lang siguro akong kung bukas namatay ako't maglaho na'ng sasabihin ko kung 'di ko pa ito ibinahagi ngayon pa lang.

Kung takot ka namang mamatay, 'wag kang matakot. Sabi nga ulit ni Aya (halata bang fan ako? cute kaya nung artista!haha), "Ang hayop at halaman, matagal na nilang alam na mamamatay sila; ngunit ang tao'y maramot, ayaw nilang tanggapin ang katotohanang mamamatay sila." Ano ba'ng dapat ikatakot mo sa kamatayan? Isa lang naman itong simpleng katotohanan ng buhay. Kung ayaw mong tanggaping mamamatay ka rin, para mo na rin sinabing hindi dapat tumae araw-araw ang isang tao. Lahat tayo, tumatae. Lahat tayo mamamatay. Ang tangi nating magagawa sa ngayon ay ang lubusin ang buhay nating nalalabi at mamatay nang nakangiti.

Minsan nga, napanaginipan ko, papasok daw ako ng gate ng paaralan ko noong nasa mababang paaralan pa lamang ako. Matagal na ang setting, gradeschool pa ako. Walang sinuman ang pumapansin sa akin: mga kaklase ko, kaibigan, guro at pati ang gwardiyang binigyan namin ng pizza pie noong Christmas party. Maya-maya pa'y may nakita akong tolda sa gym namin. May nakaburol. Ako pala 'yun at multo na raw ako. 'Di ko naman nakita ang sarili kong nakahiga pero nakita ko ang kabaong ko. Ginintuan ang hawakan nitong mayroong itim na katawan. Akalain mo 'yun?! Ang lungkot-lungkot ko raw kasi 'di na ako pinapansin ng lahat. Ayoko ng gano'ng kaluluwa. Gusto ko nagtatalon sa tuwa dahil sa mga nagawa ko na sa buhay kong lumipas na.

Pero sa ngayon, ayaw ko pang mamatay. Kasi kung mamamatay ako pagka-post ko nito, siguradong nakasimangot ako at hihilingin ko pa kay San Pedrong ibalik ako. 'Di ko pa kasi nakakamit ang lahat ng gusto kong gawin. Pero kung mamatay ako bukas, mamaya o ngayon, tatanggapin ko na rin nang maluwang. Siguro nga e natapos ko na ang nais ng Diyos na gawin ko. Pero, Lord, 'wag na muna! Marami pa akong nais na gawin. Marami pa akong nais tulungan. Marami pa akong nais sabihin.

12 comments:

  1. Nydjelle BoongalingJune 26, 2009 at 6:32 AM

    Bob Ong in the making. Saludo ako sayo, Jairus. =))

    ReplyDelete
  2. salamat.haha.
    pero binasa mo naman kaya?:p

    ReplyDelete
  3. Nydjelle BoongalingJune 26, 2009 at 6:42 AM

    Binasa ko naman. Opkors. Abangan ko pag may libro kna. Haha.

    ReplyDelete
  4. haha.salamat po.sige.baka bukas, ilabas na yung first book ko.:p

    ReplyDelete
  5. Nydjelle BoongalingJune 26, 2009 at 6:46 AM

    Sakin unang kopya ha! Dna kailangan ng autograph signing sa simbahan. Tiyak wala nang magtatangkang basahin yan. :p

    ReplyDelete
  6. haha.sige,bigyan kita ng unang kopya.sa simba mo naman, may pumunta ba?/:).haha.:D

    ReplyDelete
  7. Nydjelle BoongalingJune 26, 2009 at 7:03 AM

    Oo naman. Nandun lagi si V. Pinasisimba niya nga ako eh. Promise. Nagcomment siya. Haha. Ayun. Sorry pala bigla akong nag-off. Nagloloko kasi internet. Smart bro kasi.

    ReplyDelete
  8. yikee!haha.pa'no naman si J?:-".well, I understand, pareho tayo ng suffering sa smart bro.haha.

    ReplyDelete
  9. Nydjelle BoongalingJune 26, 2009 at 7:18 AM

    Diba? Tsktsk. Sayang bayad natin. Hina signal.

    ReplyDelete
  10. oo nga e.sooobra.mag-aaply nga sana kaming pldt.kaya lang e wala raw line dito.so kailangan naming magtiis sa napakabagal na internet na fastest wireless broadband daw.it's not even fast for heaven's sake!:|.

    ReplyDelete
  11. Kuya. Idol po kita. Hihihi.

    ReplyDelete
  12. ganda po ng blog mo kuya. Tiyak na gigisingin ang isipan ng bawat mambabasa. :)

    ReplyDelete