Thursday, May 21, 2009

Puppet on a String

"Teka, Maya...'di ba ang nanay mo saka tatay mo, mag-asawa din?"
"Hindi."
"E ano?"
"Live in!"
Si Ding uli. "Maya, halika nga sandali!"
"Ano 'yong live in?"
"Mag-asawa rin, pero sa kama lang!"
"Mayaaaa!"
Gigil na gigil na si Ding e hindi pa rin maawat si Maya. Hanggang sa mga panahong ito'y naeeskandalo pa rin si Ding ng mga kuwento tungkol sa pagiging mag-asawa nila ni Lea, sa kama lang. Kakausapin nga niya 'tong Leang 'to. Putang 'nang 'to kasi, lahat na lang... sinasabi sa mga bata!


Ang siping inyong natunghayan ay isang diyalogo mula sa nobela ni Lualhati Bautistang pinamagatang "Bata, bata, pa'no ka ginawa?" Kapuna-puna sa diyalogong ito ang sitwasyon ng dalawang batang sina Maya at Ojie. Tatay ni Maya si Ding ngunit iba ang tatay ni Ojie. Ngunit, iisa lamang ang kanilang ina, si Lea. Siguro'y magtataka kayo kung bakit o paano nabatid ng mumunting isipan ni Maya ang ganitong katotohanan. Simple lang naman ang dahilan ni Lea, ang kanilang ina, kung bakit nito ipinabatid kina Maya ang katotohanan. Kapag may ginawa ka raw, hindi mo dapat itong ikahiya. Ginawa mo ang isang bagay dahil gusto mo. 'Wag mong ikahiyam aba'y ginawa mo e!

Kamakailan lamang ay naglalabasan na sa Internet ang umano'y video o pelikula nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho. Magpasahanggang ngayo'y mainit pa rin ang balitaktakan ukol dito. Makailang beses ko na ring napanood si Katrina sa telebisyon nang umiiyak at nagsasabing, "Nabastos ako! Dapat siyang managot!" Nakuha nito ang aking interes hindi dahil sa naaawa ako sa kanya bagkus ay nayayamot pa nga ako. Bakit siya iiyak ng gayon kung alam naman niyang sa kanyang sariling buom-puso niyang ginawa ang gayon, ang makipagtalik kay Hayden? Boluntaryo kung baga. Hindi ka naman mabi-videohan at mababastos nang gano'n kung 'di ka naman nagpabastos hindi ba?

Kung iisa-isahin ko pa ang mga halimbawa, hindi magkakasya ang lahat ng espasyo sa Internet kung gagawin ko ang gayon. Ipagpalagay na lang nating may dalawang pinto sa iyong harapan na kung saa'y kapag pinasok mo ang isa'y maglalaho na ang pinto mo at hindi ka na makababalik pa. Sa kanan mo ay isang bughaw na pinto. Sa kaliwa nama'y luntian. Pinasok mo ang luntian hindi dahil sa kaakit-akit ito at hindi rin dahil sa may namimilit sa'yong pumasok dito ngunit dahil ginusto mong pumasok. Pagpasok ay saka mo na lamang nalamang isang napakataas na bangin na pala ang iyong kaharap. Isang maling galaw lamang ay baka bumigay ang lupang iyong tinutuntungan. Kumapit ka nang mahigpit sa pinto subalit bigla-bigla'y nawala ang iyong kinakapitan. Sisin-sisi ka dahil dapat ay ang bughaw na pinto na lamang ang iyong pinasok. Pero sa mga kalagayang ganito ay walang magagawang mabuti ang pagsisisi. Magsisi ka ma'y 'di na nito maibabalik ang naglaho nang pinto. Sa iyong pag-iisa ay hindi mo na dapat pag-abalahan pang hanapin ang nawlang pinto dahil kahit an'ng iyong gawin ay naglaho na itong tuluyan. Ang dpat mong gawin ay ang maghanap ng panibagong pintong nakakubli kung saan man, kahit pa sa paanan ng napakatarik na bangin.

Maaari kang magsisi at makapag-sorry pero nais kong linawing wala na itong magagawa. Kahit magngangangawa ka sa kalsada, napagtaksilan mo na ang asawa mo. Kahit na maglupasay ka sa harapan ng Santo Papa e napatay mo na ang kapitbahay mo. Kahit na mangumpisal ka sa Heswita araw-araw, mapapatawad ka nga ng Diyos (kung taos ang pangungumpisal mo) pero hindi mo na maibabalik ang buhay ng batang ipina-abort mo. Hindi ko sinasabing masama ang magsisi. Sinasabi ko lamang na hindi pagsisisi ang magiging daan tungo sa pintong iyong hinahanap.

Nais ko ring linawing ang bawat tao ay hindi mga puppet na kinokontrol ng kung sinuman sa pamamagitan ng pisi upang gawin ang mga bagay na ginagawa nito. Ang bawat tao ay may sariling kakayanang pumili at magdesisyon kung ano'ng tama at kung ano'ng mali. Ang bawat pagpiling gagawin mo ay may kaakibat na pananagutan. At ang pananagutang iyon ay sumasaklaw sa kung ano'ng ginawa mo at sa kung anumang magiging bunga nito.

'Wag kang gagawa ng isang bagay na 'di mo mapapanindigan. Otherwise, 'wag mo na lang gawin. Bibigyan mo lang ng kahihiyan ang iyong sarili.

Monday, May 18, 2009

Isa akong Indio, 'yan ang Totoo!

Kumakain ako ng pritong manok at Lucky Me noodle soup at natripan kong buksan ang TV sa may kusina. Habang nilalasap ko ang mga hibla ng noodles at ang malansang balat ng manok na prinito't hirap na hirap akong kamayin ang kaning sinabawan, nanlilisik ang mata ko sa napakaliit naming tv screen (6 inches lang naman). Akala ko'y 24 Oras pa pero Zorro na pala. Wala na naman akong choice dahil siete lang ang may matinong palabas sa amin (mahina ang signal ng dos).

Ang eksena noo'y ang pagpapakasal nina Rhian at Antonio (Richard). Kahit kailan talaga'y kabigha-bighani ang ganda ni Rhian Ramos. Pero hindi yaon ang nais kong ibahagi sa inyo. Nagsisimula na ang kasal noon (sana ako na lang si Richard) nang biglang may tumutol na babaeng nakaitim na belo (kasi nga raw ako ang dapat nasa lugar ni Richard!). Hindi raw Espanyol si Richard at anak lamang daw ito ng isang Indio. Itinuro ng babaeng nakaitim na belo ang isang Indiong nakaputing belo sa likuran ng simbahan. Ipinadakip ng ama ni Richard ang babaeng nakaputing belong inakusahang ina ni Richard ngunit tinutulan ito ni Antonio (si Richard nga). Umamin siyang matagal na niyang alam na isa siyang Indio at hindi naman ang babaeng nakaputing belo ang tunay niyang ina. Nang malaman ito ng kanyang amang (alam kong minahal siyang tunay) ay itinakwil niya ura-urada si Richard at hindi natuloy ang kasal (dahil nga ako dapat ang magiging asawa ni Rhian!). Hinatak na si Rhian ng kanyang mga magulang pauwi. Pag-upom-pag-upo ng kanyang ina sa bahay ay bumulalas ito, "Hay naku, muntik na nating maipakasal ang ating anak sa isang Indio! Buti na lamang at nalaman kaagad natin ang katauhan ng Antoniong (si Richard) iyan. " Sumagot naman ang kanyang asawa, "Aba'y kung banggitin mo ang salitang Indio'y para bang isa itong nakahahawang sakit!" Buong giting namang sinang-ayunan ito ng kanyang esposa, "Eksaktamente! Muntik nang mahawa ang ating pamilya sa Indiong yaon!"

Pagtawanan na ninyo ako pero sa totoo lang at nasaktan ako. Oo, nasaktan ako. Naaawa ako 'di lang kay Antonio kundi mismong sa aking ganang sarili. Naaawa ako sa aking sarili, sa aking lahi. Naihalintulad ko tuloy si Richard kay Crisostomo Ibarra. Kay lupit nga naman ng tadhana sa kanilang dalawa. Mali pala, sa atin. Hindi ko lubos maisip kung gaano ang pandidiri ng mga Kastila noon sa atin gayong nakatira sila sa ating lupain.

Siguro nga'y isa ito ang pangunahing dahilang kung bakit mayroong napakababang self-esteem (tama ba'ng spelling ko?) ng mga Pilipino. Siguro ang tatlong siglo ng pangmamaliit at pang-aaglahi ng ibang lahi sa ating mga ninuno ang nagtulak sa pag-usbong ng kaisipang kolonyal na nakaugat na sa puso ng bawat tao sa bayang ito. SIguro sa loob ng tatlong siglong iyo'y maraming nagsabi, "Sana'y hind ako ipinanganak na Indio." Sana naging Kastila ako. Sana marunong akong mag-Espanyol. Sana naging Amerikano ako. Sana marunong akong mag-Ingles. Ayoko nang mammilipino't tanda ito ng pagiging Indio ko. Ayoko nang maranasan pang maliitin muli ng ibang lahi. Gusto kong maging hindi ako.

Sa totoo lang, nakatiklop pa rin ang mga mata natin. Tapos na ang panahon ng Kolonyalismo mga kapatid. Wala nang ibang bansang maaaring sumakop sa atin. Malaya na tayo. Kung kaya't wala nang bansang tatapak muli sa ating pagka-Pilipino. Wala nang dayuhang nang-aalipin sa atin ngayon. E ano 'tong kaguluhan ngayon sa atin? Hindi ang VFA ang dapat sisihin. Walang kinalaman ang Amerika sa kasalukuyang kalagayan ng bansa ngayon. Wala nang ibang lahing umaalipin sa atin ngayon kundi tayo. Kung dati'y dirin-diri ang mga Kastila sa atin dahil tayo'y hamak lamang na mga Indio, ngayo'y iba na. Tayo na ang umaalipin at umaaglahi sa ating mga sarili. Tayo na mismo'ng nahihiya sa sarili nating bayan. Tayo mismo.

Sabihin mo sa akin ngayon kung paano makalilipad ang isang mumunting mayang iginagapos ang sarili niyang mga paa at saka aalpas. Sabihin mo sa akin ngayon kung paano uunlad ang isang bansang ikinahihiya ang sarili niyang wika at saka magrereklamo, "Bakit ganito tayo?"

Mag-isip ka, kaibigan (kung ako ba dapat ang ikasala kay Rhian). Kabilang ka ba sa mga gumagapos sa mga paa ng bansang ito? O isa ka sa nagpuupumilit na palayain ang ating bayan mula sa pagkakakadena nito sa sarili niya? Ikaw lang ang makakasagot. Hindi sa pamamagitan ng pag-amin kundi sa kung ano'ng nais mong gawin. Ipagsigawan mo sa buong mundong, "Isa akong Indio, 'yan ang totoo!"

Monday, May 11, 2009

More than the Usual Philippines

Nagsali ako ng dalawang tunghay mula sa Youtube na talaga namang ikinalaglag ng aking panga. Sana'y 'di lamang panga ang mailaglag nito sa inyo. Kay sarap nga namang mabuhay sa Pilipinas ngunit sa kabila ng kagandahan ng ating mga isla'y isang napakalaking problema sa ating wikang pambansa.

Tama bang gawing Filipino ang medium of instruction sa mga paaralan? Tunghayan.


Isang kakaibang Pilipinas ang inyong masasaksihan.

Friday, May 8, 2009

Ang Diamond Batch ng Matyo

Noong isang araw ay nagkaroon kami ng munting salu-salo. Reunion sana ang nais kong itawag dito kaya nga lamang ay kakaunti nga lang ang pumunta. Apatnapu't dalawa ang aming inanyayahan. Dalawampu't apat naman ang umoo at nangakong sila'y dadalo at labing-anim lamang ang nagpunta. Naging matagumpay naman ang reunion na ito kaya nga lamang ay may ilang hind nadaliang makipagkapwa.

Dalawang oras bago mag-alas-dos ay umaraw matapos ang buong umaga ng pag-ulan. Una kong ginawa ay ang sindihan ang kandila sa may altar at magdasal. Sana 'ka ko'y 'wag umulan. Mag-aalas-dos na't 'di pa rin tumitila ang ulan. Karamay ko si Bennete sa may labas at nananalangin akong tumigil na ang ulan. Huminto namana ito nang bahagya pag-alis ni Bennete upang samahan si Reia na bumili ng cake sa Primablend. Dumating naman si Jose para sunduin ako't bibili na kami ng ice cream. Dumiretso na rin kami sa McDo para naman sunduin si Nydjelle at Megumi na 'di pa alam ang patungon bahay. Naratnan namin doon si Pau. Naalala ko nga palang si Pau na lang daw ang maghihintay at maghahatid kina Nydj sa bahay. Ang galing ko talagang makaalala. Medyo nagtataka rin ako kay Nydjelle dahil nga soibrang tahimik nito sa kanyang pagdating. Wala rin si Louinne na dapat ay kasama niyang pupunta. Habang nag-uusap kami sa McDo ay pinipilit ko talagang isali ang bespren ko ring si Nydj sa usapan. Nagre-respond naman siya sa mga hirit ko kaya lang nakukulangan ako. Nagi-guilty tuloy ako't mukhang kasalanan ko pa kung bakit ganito.

Tumulak na kami sa bahay at naunahan pa ako ng mga bisita sa mismong bahay ko. Buti na lang at naroon si BEnnete at siya raw muna ang nag-asikaso sa kanila. Sa una, nataranta ako't ang dami nilang dala. Kaya naman inihanda ko na ang mga dala nila sa mesa. 'Yun nga lang ay ayaw pa nilang kumain. Sinubukan pa nga naming tumawag ng ilan pang umoo ngunit 'di naman dumalo. Nariyan si Kenneth Roy na tinawagan ni Bryan. Sa pag-uulinig ko sa kanilang usapan, mukhang dumami nang dumami ang dahilan ni Kenneth habang sila'y nag-uusap. Natawa na lang ako at sinabi ko sa aking sarili, "Kung ayaw, sandamukal nga naman ang mga dahilan!" 'Di rin naman lahat ng tinawagan namin ay puro dahilan na lamang ang sinabi sa amin. Nariyan ang bespren kong si Je. Nangako siyang magdadala ng dalawang bote ng supdrinks. At least dumating siya matapos ang isang oras ng paghihintay. Nagdala siya ng dalawang bote: isang Sprite at isang Royal na dumiretso agad sa cooler.

Muntik ko na ring malimutan ang nakakakilig love story ni bespreng Jose (ang dami kong bespren no?haha.) at ni Kweng. Pagkagaling namin ng GrocerE, hindi lang ice cream ang hinanap namin. Naghanap din kami ng Toblerone na inabonohan ko pa ng singkwenta pesos. 'Yun naman ang ipinaabot ni Jose sa akin nang dumating si Raenee at Maricar. Sila pa nga 'yung mga 'di ko inaasahang dadalo pero sila pa'tong nag-abalang gumawa ng Maja Blanca! Pero buti na lang at maarte si Kweng. Nag-requesti siyang si Jose na mismo'ng magbigay sa kanya. Kaya naman ibinalik ko ang tsokolate kay Jose. Kaya nga lang sa aking katakawan, 'di ko nasaksihan ang makasaysayang pangyayaring nagpang-abot si Jose at Raenee. Kumukuha ako ng isang damuhong ng pansit nang nagtilian sila sa may sala. Pagdating ko, isa lang ang nasabi ko, "Ano'ng nangyari?"

Sa isang banda, habang natataranta ako sa pagkain at pag-e-entertain sa kanila'y inaalala ko sina Alex, Clang at ang kambal. Para bang mayro'ng mali sa ginagawa ko't 'di sila nakikisali sa amin. Maya-maya pa'y lumabas na ang apat na nagdala ng Tikoy at ng kalaunan-ko-na-natagpuang junk food. Ayon nga raw sa pinsan ni Nydj na kasmaa niyang pumunta na naroroon lamang sa labas, ayaw raw namin silang papasukin at OP raw sila. 'Di ko ba alam kung ano'ng naging pagkukulang namin kung bakit nagkagayon. Nagdesisyon na lang kaming maglaro sa labas. Ipinaikot ko ang mga upuan at doo'y magtu-Truth or Dare sana kami at ang pinauso ni Jonas na Sensitivity Game noong class night ng 2M. Kaya nga lang ay ayaw na nilang sumama at nagpasya na silang umalis. Wala na naman akong magagawa at nagpaalam nalang din ako. Nakausap ko naman si Clarence kani-kanina lang sa YM at naintindihan ko kung ano'ng nangyari. May ilang mga bagay lamang na hindi niya o nilang maatim sa grupo. Iginagalang ko naman yaon at at least ay okey na ang lahat sa amin.

Inihatid na namin pagkatapos ng ilang oras na kuwentuhan ang kababaihan ng grupo liban kay Adeline. Alas-singko pa lamang no'n nang ihatid namin sila sa kanto upang makasakay. Tumawid na si Nydj at ang kanyang pinsan nang ipaalala ni Bennete na hindi namin napakain 'yung kasama ni Nydj. My God! Pero 'di rin naman tamang pabalikin pa namin sila kung kaya't tumawag na lang ako kay Nydj kinagabihan habang nag-aayos ng upuan upang humingi ng paumanhin.

Pagbalik, tuluy-tuloy ang kasiyahan ng kalalakihan. Kasama syempre riyan si Adeline. Nanibago rin ako kay Bryan. Ang dating Bryan Trinidad na aking kilala ay para bang wala na. Ang dating napakaingay at kengkoy na Bryan ay naging isang tahimik at nasa-isang-sulok na lamang na gitarista. Pero nang kami-kami na lamang ang naiwan, naroon na ulit ang Bryan na nakilala ko. Isang palatawa, maingay at makulit na Bryan Trinidad. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng sigawan sa may dead end ng aming kalye. Kinabukasan ko na lamang nalamang may nangyari na naman pala sa aming kasambahay na doon nga sa compound na yaon nakatira. Kay lusog nga ng aming diskusyon: mula kay Manny Pacquiao ay napunta kay Charise (tama ba spelling ko?) Pempengco, kay Oprah, Scary Movie at hanggang kay Batista. Habang nagkukuwentuhan ay napagdiskitahan naman nio Adeline na lamutakin ang cake na dala ni Reia. Sinulutan pa nga niya ng espesyal na Tikoy (na hanggang ngayo'y 'di ko pa rin malaman kung Tikoy ngang talaga dahil 'di ko pa rin natitikman) ang isang slice nito. Buti na lang 'ka niyo at pagkain ko kanina niyaong natiraay wala na 'yung Tikoy.

Pagka-upload ko ng mga larawan kinagabihan sa Multiply, napag-isip-isip kong binyagan ang batch na ito bilang Diamond Batch ng Matyo. Ayon na rin sa ate ni Nydj na kanyang kasama, kahit na raw anim na taon siyang lumagi sa Matyo bilang mag-aaral ay 'di na raw sila halos nagpapansinan ng kaniya mga batchmates samantalang si Nydj naaman daw ay dalawang taon lamang sa amin piling ngunit kasama pa rin niya kami. Kahit nga ang aking tatay at ang aking lola ang namamangha sa tibay ng aming pagsasamahan. Marami rin akong naririnig na kuwento mula sa sumunod na mga batch sa aming madalas nga raw kaming ikumpara sa kanila. Katulad na lamang ng isang diyamante, kami ang mga carbon mmolecules nitong siksik na siksik ang pagkakadikit na sa sobrang pagkakadikit nito'y naging pinakamatibay na elemento sa dagidig ang diyamante. Isa rin ito sa mga pinakamahahalaga't pinakamahal na mga bato. Parang kami lang? Ngunit isang sikreto ng mahalagang batong ito ay ang napakatagal na pagkakababad sa tunaw na bato sa kailaliman ng lupa parang ang aming samahang ibinabad nang matagal sa kailaliman ng napakaraming mga karanasang siya ring humubog sa amin bilang kung sino kami sa ngayon. Wala ring ibang bagay ang makasisira sa isang diyamante kundi ang sarili nito. Wala rin namang makasisira sa aming samahan kundi kami rin mismo.

Nakikita ko na ang napakaliwanag naming bukas na magkakasama't magkakaakbay tungo sa iisang mithiin: ang paunlarin bansang ito.

Monday, May 4, 2009

People aren't Worthy of Trust

May nagsasabing hindi karapat-dapat pagkatiwalaan ang tao. Wala sa kanilang kalikasan ang maging mga katiwa-tiwalang nilalang. Ngunit ano itong tinatawag na mga kaibigan? Hindi ba't ito ang mga pinagkakatiwalaang ng mga di-katiwa-tiwalang mga nilalang?

Marami na rin siguro'ng nangakaaalam ng isa sa mga pinakawirdong bahagi ng aking pagkatao. Kadalasan, mula sa kawala'y magtatanong ako, "Ano ba'ng turing mo sa akin?" Sa aking katanungang ito, marami'ng nawiwirdohan, "Ang weirdo mo." Marami-rami na rin ang nagsabi nito matapos ko silang tanungin. Isang kaibigan naman ang nakapagpaisip sa akin kung bakit ko nga ba talaga itinatanong ang bagay na ito.

Kaninang umaga, sa isang napakapambihirang pagkakatao'y naka-text ko siya (dahil nga siguro ang pinakamahabang text na niya sa akin ay "nyt:)"). Naguluhan lang kasi ako sa kanya kagabi. Nag-text ako sa kanya: "Ate, puwede kang kausap?" dahil nga naka-Unyt ako. At ang sabi niya: "Wala, haha, kiddin" May kaguluhan nga naman kung kaya't tinanong ko siya kung wrong send nga ba talaga yaon. Kaya lang hindi talaga kami magkaintindihan (Mahirap makipagtalo sa sinasabi ko sa inyo). Kaya't mula sa kaguluhang ito, aking tinanong siya, "Ano ba'ng turing mo sa'kin?" Sumagot siya, "Busmate?bkt?" Akin muling itinanong kung kaibigan nga niya ba ako. At siya nama'y umoo ngunit muli niyang itinanong kung bakit. Nang sinabi kong wala lang, ang weirdo ko raw.

Ngayon, kahit ako, nagtatanong sa aking sarili, "Bakit ko nga ba sila tinatanong ng ganito?" Minsang sinabi sa akin ni Tita na ang pakikipagkaibigan ay hindi basta-basta. Kailangan mo raw timbangin ang bawat nilalang na iyong kakaibiganin. Siguro masasabi kong isang paninimbang ang ginagawa kong ito. Hindi mo maaaring kaibiganin ang isang taong hindi ka itinuturing na isang kaibigan. Tandaang ang pakikipagkaibigan ay hindi sa pagitan ng iisang tao lamang. Sa pagitan ito ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ang isa't isa. Isang magandang halimbawa nito ay isa sa mga kakaunting mga ala-ala ko sa unang baitang. Minsan kong dinala ang isa kong kaklase sa lola ko at ipinakilala ko siya bilang aking bestfriend. Akalain mong nagpumiglas siya sa aking mahigpit na pagkakahawak at nagwika, "Hindi naman ikaw ang bestfriend ko e, si Dexter ang bestfriend ko!" at saka siya tumalilis. 'Di ko maalala kung umiyak nga ba ako noon ngunit ramdam ko pa ring masakit yaon sa tuwing nagugunita ko pa ito. Siguro nga'y sa isang musmos ay napakadaling magtiwala kung kaya't sa ganito kaagang edad ay naranasan ko na ang mabigo at masaktan.

Hindi rin naman lahat ay tinatanong ko nito. Minsan kasi nararamdaman ko namang sapat na sa kanilang mga ginagawa para sa akin ang sagot sa aking katanungan. Minsan nama'y wala lang talaga akong interes na kaibiganin sila. Nagiging maingat lamang ako. Hindi ko na basta-basta ibibigay ang aking tiwala bagkus ay ipinagkakaloob ko lamang ito sa mga taong aminadong binigyan na ako ng tiwala.

Mahirap magtiwala. Masakit ang mabigo. Ngunit napakasarap ng pakiramdam kapag alam mong subok na ang inyong pagsasamahan. Napakasarap ng pakiramdam ng pinagkakatiwalaan ka ng iyong itinuturing na kaibigan. Kaya't 'wag na 'wag ismolin ang salitang kaibigan. Hindi lang ito basta-basta. Kalakip nito ang pagtitiwala, pagkabigo at pagiging maligaya.

Sunday, May 3, 2009

Ang kasalukuyang Kalagayan ng Ating Wika

Kamakailan ay kinuha ng lahat ng mga nasa ikalawang taon sa Pilipinas ang NAT o National Achievement Test. Alam ng lahat iyan. Ang unang eksamen ay Filipino. Sabi ko, "Wow, maganda panimula ng araw." Dahil nga mahal na mahal ko ang wika, magandang panimula para sa akin ang eksamen sa Filipino. Kaya lang baliktad ang natunghayan ko. Nakita ko ang kasalukuyaang kalagayan ng ating wikang pambansa.

Maaaring sabihing iba nga ang kurso ng Ateneo sa Filipino ngunit alam pa rin naming mga Atenista kung ano ang tama at ang mali kahit iba ang aming pinag-aaralan. Natunghayan ko ang kasalukuyang kasadlakan ng ating wika. Mismong mga tanong sa mismong eksamen sa Filipino ay may karamihan ang pagkakamali sa balarila. Katulad na lamang ng nagka-ideya. Kailan pa ginitlingan ang salitang nagkaideya? Hindi naman pangngalang pantangi ang ideya upang maglagay ng gitling bago nito hindi ba? Hindi naman siguro upang maglagay ng impit dahil pareho namang patinig ang a at i. Kahit wala itong gitling ay mababasa mo pa rin siya bilang "nag-ka-i-de-ya."

Ilan na rin sa mga napuna ko ang pagiging bano ng mga gumawa ng eksam sa Filipino. Napakaraming mga salitang syokoy (sa m,ga 'di nakaaalam, salitang syokoy ang ipinantutukloy ni Virgilio Almario samga salitang Filipinong hinango sa inakala nilang Kastilang salin ng isang Ingles na salita) o mga pilit na salin ang aking natagpuan sa eksam. Ilan na riyan ang aytem, persweysiv, narativ, at marami pang iba. Kailan pa naging tuwirang salin ng item ang aytem? Maaari na lamang sanang tinukoy ang item bilang bilang hindi ba? Napuna ko rin ang mga uri ng akdang tinutukoy ng eksamen. Ilan sa mga ito ang narativ at persweysiv. Isang maituturing kong napakamangmang na salin ng mga salitang persuasive at narrative sa Filipino. Maaari naman sigurong isaling ang persuasive o to persuade bilang nanghihikayat na talata o akda. Maaari rin namang isalin ang narrative o to narrate bilang nagkukuwentong talata.

Sadyang nakapanlulumo ang kalagayang ito ng ating wika. Tumawag sa akin kinagabihan ang isang kaibigan at sinabi ko ang aking mga napunang ganito. Ano'ng kanyang sinabi? "Gano'n talaga 'pag Filipino!" Ganito na ba kababa ang tingin natin sa ating wikang pambansa? Nanggagaya nang pilit? Hindi ko sinasabing masama ang manggaya ngunit ang manggaya nang pilit at mali ay syempre, hindi tama!

Kung ang mismong mga nasa Kagawaran ng Edukasyon ay bano na nga sa Filipino, paano pa ang pinangangalagaan nitong kabataang siyang inaasahan ng naghihikahos na wikang ito?Talaga bang wala nang pag-asang yapusing muli nang lubusan ng lahat ng mga Pilipino ang tamang pamimilipino? Kailan darating ang panahong magiging isa na itong wikang itinuturing ng lahat bilang isang wikang pang-intelektuwal? Kailan? Depende sa atin yaon.

PATALASTAS: Abangan niyo 'yung salin ko ng The Valiant. haha. Wala lang.

Sino'ng magsasabing pwede palang ikuwento sa ganitong paraan ang SEX?

Sa isang maliit na pugad sa taluktok ng Bundok Banahaw nakatira ang mag-anak ng ibong si Manuel. Minsan silang 'di nagkasundo ng kanyang ama't ina kaya't nagpasya itong umalis patungo ng kagubatan. 'Di niya alam ang kanyang gagawin. Ni wala nga sa kanyang isip na lumayas. Nais lamang niya ng kapiranggot na kaligayahan. Kahit pansamantala lamang.

Nagsimulang dumilim ang papawirin. Kinailangan nang maghanap ng masisilungan si Manuel. Nakakita siya ng isang malalim na balon. Isa itong balong malalim na puno ng mga bakod. Pagpasok niya rito'y limang malalambot na bulateng may matatalim na ulo ang pumulupot sa kanya. Pilit siyang ipinasok sa balon. Iniangat siya at ipinasok, iniangat muli at ipinasok nang ang kanyang ulo'y patungo sa balong puno ng bakod. Makailang beses pa itong inulit ng limang bulate hanggang sa nagalit si Manuel. Pinilit niyang umalpas ngunit huli na ang lahat. Naunahan na ang kanyang galit ng pagkahilo. Ang kanyang pagkahilo'y nagdulot upang siya ay masuka. Ang kanyang ibinuga ay unti-unting nangahulog sa balon. 'Di marinig ang paglagapak nito sa sobrang lalim. Umiikot na ang kanyang paligid sa hilo.

Umimpis ang kanyang galit nang siya'y matulog. Naratnan niya ang sariling nakahilata sa lupa ng kagubatan, sa tabi ng balon. Nagsimula nang pumatak ang ulan. Mula roo'y bumaba siya at isang yungib ang kanyang natagpuan. Isa itong napakakitid na yungib. Puno ito ng kung anu-anong mga uri ng halamang bumabalikwas paitaas. Sa kapal ng mga halama'y tila ba wala pang sumubok na kahit ano o sinong nilalang na pumasok sa yungib na ito. Pumatak ang unang tulo ng ulan. Humihiyaw ang naghihinagpis na langit. Sa kanyang pagpasok sa yungib ay mas lalo pang nagsusumigaw ang langit. 'Di nakayanan ng ibong si Manuel ang talim ng mga halaman sa loob ng yungib kaya't bumalik ito sa labas. Basam-basa na ito sa ulan at bingim-bingi na sa mga sigaw ng langit. Muli nitong pinasok ang yungib at lalo pa ulit nagsusumigaw ang langit. Lumakas pa lalo ang ulan. 'Di kasya ang ibon sa yungib.

Pinilit niyang makadaan. Paulit-ulit niyang sinubukang pumasok. Naliligo na siya sa patak ng ulan. Naghuhumiyaw pa rin ang langit. Kumukulog at kumikidlat sa lahat ng dako. Sa wakas ay nakapasok na ito sa yungib. Lalong naglabas ng sigalot ang langit. Kumidlat nang napakalakas at tumama ito sa yungib.

Napakaliwanag. Isang bagong umaga ang ibinunga nito.

'Talban! 'Talban! Tara na, sakay na misis!

Nagpunta kaming Araneta Center kamakailan. Sige na, Cubao na kung mas maraming may alam no'n. Pareho lang 'yon. Katatagpuin dapat namin ang isang kasamahan ni Tatay na may ibibigay na padala sa amin. Wala kaming makitang FX na biyaheng Cubao kaya nag-Katipunan LRT na lamang kami. Habang papunta kami, sa FX, nagtatalo kami ni nanay. Ano''ng dapat gawin pagdating sa Katipunan? Mag-e-FX ba ulit kami o mag-e-LRT na lamang? Sabi ko, mas mabilis ang LRT. At dahil nga mapilit akong tao at gusto kong masunod ang gusto ko datapwat kinkontra ako ni nanay, nag-LRT kami. Dose pesos ang tiket. diyes naman 'pag FX. Hayaan mo na't mas mabilis naman ito. Kaya lang nasira 'yung makinang lumuluwa ng tiket. Magaling. Lumipat pa kami sa ibang makina. Naghihintay na kami ng tren nang mahulog si nanay sa riles habang paparating na ang tren. Syempre, hindi 'yon totoo.

Pagdating, ang inakalay ko'y bababa kami mula LRT station patungo sa isang napakalamig na Gateway mall. Hindi naman pala. Binabaan namin ang isang kalyeng pinasisikip ng malalaking poste ng LRT station at dalawang malaking gusali sa kabilang bahagi ng kalsada: Gateway at Isetann. Eto na nga ba ang sinasabi ni nanay. Kung nag-FX sana kami, bumaba na kami sa Alimall ('yung meeting place namin). Isang kilometro ang nilakad namin at nakarating naman kami sa Alimall nang matiwasay. Nakaistambay ang isang mag-asawa roon sa pintuan. Sila na pala 'yon. Kumain kami, kaarawan pala niya. Nalibre kami ng spaghetti, fries at coke sa KFC na may libre ring pampatuyo ng pawis: aircon.

Naglibot kami pagkatapos, syempre. Nagulat ako. Ang uugod-ugod nang SM Cubao, napagkamalan kong SM Marikina ang loob. Nawala na rin ang malalamig at butas-butas na upuan sa Food Court nit osa ilalim at ang mga kiddie rides na sinasakyan ko pa noong bata ako 20 taon na ang nakalilipas. Pero naghanap ako ng National, wala. Kaya tumungo kami sa Alimall. Lupit! Ang dating pinagtatawanan-ng-2M na Alimall ay unti-unti nang nag-iiba ng wangis. Mayroon nang bumungad sa aming tandem ng Starbucks at Dairy Queen. Ang tandem na ito'y sa Eastwood ko lang noon naratnan. Pagpasok sa sira pang pinto ay ang nire-renovate na loob nito. Akala mo'y miniature model na ng Mall of Asia o copy cat ng Gateway ang loob. Maaliwalas na at wala na ang kulay dilaw na mukhang caution na Alimall. Ito siguro ang matatawag kong "rebirth of the first shopping district in the Philippines."

Ngunit ang mga tanawing ganito ay nakapang-aakit ng ating mga mata. Maraming walang trabaho sa Maynila kaya't kumakapit na tayo madalas sa patalim. Marahil marami ngayong susubok na makapasok sa Araneta Center dahil sa pagbabagong ito. Ngunit ang malaking tanong, gusto mo ba talaga ang ginagawa mo? O talaga lamang naakit ka sa kagandahan ng lugar? Maraming mga Promdi ang tumtungo sa Maynila para lamang makapagtrabaho. Saan ang kanilang bagsak? Squatter's Area, Estero, Ilalim ng tulay. Mapang-akit ngang talaga. 'Wag kang masyado paakit.

Pauwi na kami at mahirap palang makahanap ng FX sa sakayan sa may Cubao. Puro jeep. Nakakita si nanay. Colorum nga lang at hindi talaga FX. Adventure siya at napakalamig ng aircon. Tinabi ang sasakyan, nakapagtataka. 'Yun pala, may "kalaban" o "parak." Kunyari na lang daw, kamag-anak namin ang nagmamaneho. Sa mga panahong inilagi ko sa pagsakay sa FX, ngayon ko lang siguro hindi naranasang antukin. At kung mayroon lamang award para sa pinakamakukulit na driver at barker sa mundo, ang mga nasakyan na namin ang panalo.

PAgdating namin sa may Barangka, huminto si Kuya Driver at nagtanong, "Miss, san 'yung papuntang Loyola Subdivision?" Sa kaliwa raw. "Ando'n ba 'yung munisipyo?" Oo na lang daw. "Ah, may munisipyo na pala ro'n? Salamat!" Buong akala ko'y 'di talaga alam ni Kuya ang daan. Nanggago lang pala. Kailan nga naman napunta sa Loyola Subdivision ang munisipyo ng Marikina?

"'Talban, 'Talban!" ang sigaw ni Kuya Barker. Kung ayaw sumakay, "SS! SS! Ayaw niyong 'Talban e!" Sigurado ka nga ba sa sasakyan mo brad? Montalban ba talaga 'yan o SS? O baka naman sasakay ka lamang dahil maganda ang minamaneho ni Kuya, Adventure? 'Pag sumakay ka ba, sigurado kang tutungo ka sa kaginhawaan? O hahantong ka lang sa pagtira sa ilalim ng tulay, gilid ng riles, Squatter's area o sa may Ilog Pasig? 'Wag kang palinlang kung maganda ang nagyayaya sa'yo upang sumakay. 'Talban ba talaga 'yan o SS?

Required ba 'yan?

Isipin mo kung lahat ng bagay ay required. Ano kaya'ng magiging resulta? Maganda kaya? Ano kaya kung required ang lahat ng taong matulog nang 8 oras kada araw at papaslangin ang sinumang lumabag. Tingin mo, maganda kaya'ng kalalabasan?

Nagpaalam ako noong nakaraang biyernes para sa Synergy Night ng Serye Kabataan-COC sa OSA kay mama at nanay. Ang unang tinanong ni mama, "Required ba 'yan?" Syempre pa'y sumagot ako ng hindi. "Hindi naman pala required e, bakit ka pa pupunta?" Napaisip ako. Kailangan pa nga ba talagang i-require ang lahat ng bagay para lang mapilitan kang gawin ito? Kailangan pa ba tayong kahunan at bakuran ng lipunan para lamang gawin ang nararapat?

Magandang tanungin sa atin ngayon, "Bakit ka ba nag-aaral?" Nag-aaral ako dahil gusto kong makatapos. Nag-aaral ako dahil gusto kong magkaro'n ng mariwasang pamumuhay balang araw (bullet day). Nag-aaral ako dahil gusto kong sundan ang yapak ng mga magulang ko. Nag-aaral ako dahil required. Hindi ako tatanggapin sa trabaho kundi ako nakapag-aral. Hindi ako makakapagpayaman kundi ako nakapagtapos. Kailan mo ba inasahan ang batang sumagot ng, "Nag-aaral ako dahil nais kong matuto." Karamihan siguro sa mga mag-aaral ngayo'y nag-aaral lamang dahil ito ang hinihingi ng lipunan sa kanila. Pero kailan nga ba nating masasabing hindi ka nag-aaral dahil requirement ang mag-aral?

Napakarami ring panahon kung saan 'di natin ginagawa ang alam nating bawal kapag walang nakakikita. Required kang hindi gawin yaon kung syempre, may manghuhuli sa'yo. Katulad na lamang ng mga pinsan ko. Bawal silang uminom ng softdrinks. Pinagbabawalan sila ni mama (lola namin). Samantalang pumapasok sa trabaho si mama at maiiwan ako at ang mga pinsan ko sa bahay, tomahan na kami ng softdrinks. Oo, inaamin ko, nakakasabwat nila ako paminsan-minsan ngunit ginagawa lang ba natin ang mga bagay-bagay dahil natatakot tayong mahuli o dahil alam nating ito'y makabubuti sa atin?

Sa una ko namang sulyap sa Komunismo, napakaganda ng ipinakikita nitong larawan sa akin. ISang napakaunlad na bansa at estado ang ipinatutunghay nito sa akin. Sa pag-aaral ng Komunismo sa AP noong nakaraang taon, nakumbinsi ako nang panandaliang ito na nga ang hinihintay na sagot sa lahat ng suliranin ng ating bansa. Nang mabasa ko ang huling talumpati ni Pang. Magsaysay (na aking isinalin na rin sa Filipino), nakita ko ang kabilang mukha ng Komunismo. Maunlad ngang bansa ang maibubunga nito ngunit papatayin naman nito ang demokrasya sa ating Pilipinas. Isa muling tanong ang pumasok sa aking isip. Kailangan pa ba talaga ng Komunismo para maging disiplinado ang mga mamamayan? Kailangan pa bang ikadena ang lahat para lamang makapag-ambag sa ikauunlad ng bansa? Mas nanaisin ba natin ng isang bansang kay layo na ng iniunlad na may mga nagtutulungang mga mamamayang nakakadena ang mga bisig o isang bansang kay layo na ng narating na may mga nagtutulungang mga mamamayang nagkukusang mag-ambag tungo sa kaunlaran?

Isipin natin. Kailan kaya darating ang panahon kung saan magbibigay ka ng tinapay sa pulubi sa kalye hindi dahil required ang good deeds para mapunta kang langit kundi dahil ninais mong tumulong? Kailan kaya darating ang panahon kung saan hihinto ang lahat ng sasakyan kapag nakapula ang traffic lights hindi dahil may MMDA na nakabantay kundi dahil para makatawid ang mga pedestrian? Nasa sa atin iyon. Ire-require mo lang ba ulit ang sarili mo upang mag-ambag sa kaunlaran ng bansang ito o mag-aambag ka sa kaunlaran dahil mahal mo ang lupang iyong tinubuan?

Ganito'ng Maglinis ng Bahay

Alas-diyes ng umaga muling nagpakita ang haring araw sa akin. Masakit na ulo ko dahil una, alauna na ako natulog kagabi. Ikalawa, tirik na ang araw pero nakakumot pa rin ako. Syempre, sampung GM na naman ang nasa Inbox ko. Dalawa lang ang nireplyan ko: si Duffie at si Lollipop [ kilala niyo na kung sino kayo ]. May sasabihin daw si Duffie tungkol kay MM [ initials lang yan ]. ayun, tumawag siya at nagkuwentuhan kami habang nanonood ng I Balita sa net25. Inawat na kami ng dakila niyang ama, tama na raw 'yan at top 4 lang daw kasi siya.

Pagbaba ko ng hagdan, 'di ko alam kung bakit bigla yata akong hinatak ngmga paa ko palabas. Kaya naman pala. Isang plastik pala ng styro ang pinagdiskitahan nina Heinz at Gem habang tulog pa ako. Lang hiya! Bumalik muna ako sa loob ng bahay at kumain ng tinatawag na brunch [ lunch plus breakfast in one ], Masarap ang ulam, Musky Pops. Maski papa'no. 'Di ako sarkastiko pero masarap siya. May patatas at itlog ng pugo. Nilalasap ko ang ulang at kanin habang nakikinig sa tape ni tatay ng M2M. Naghahanda na ako para sa susunod na mangyayari.

Una kong piangtuunan ng pansin ay ang dakila kong kompyuter. Dinismantel ko ang mga bahagi nito at maingat na inilapag sa may study table sa tabi nito. Nanlilimahid na kasi sa dumi 'yung rubber mat na pinanssapin namin sa ilalim nito dahil nga sira na ang gulong ng computer table namin. Itinaob ko ang bakante nang computer table at nilagyan ng rubber adhesive skid protector dalawampung taon nang nakatago sa toolbox ni tatay. Bago ko syempre ibalik, winalisan ko muna 'yung pinagtanggalan nung rubber mat. Ang daming hidden treasures. Naroon 'yung inhaler kong ilang buwan na ri nawawala, isang shuttle cock na akala nami'y naubos na namin sa kaka-shoot sa bakod ng may bakod at isang dakot ng balahibo ng balbon naming asong si Gem.

Pagkatapos ng Operation Rubber Mat ay tumungo ako sa aming bodega/dirty kitchen/ kulungan ni Heinz 'pag gabi. Nakakalat doon ang ilan pang mga styro at ang nakataob ng balikbayan box ni tatay noong bata pa ako. Pinagtyagaan kong pulutin isa-isa pero napag-isip-isip ko, "Matalino ka Jairus, mag-isip ka ng mas madaling paraan." Nakaisip naman ako. Winalis ko na lang at ibinalik sa kahon.

Mission accomplished! Kaya lang 'yung mga styro pa pala sa labas. NAg-isip ako kung saan pwedeng ilagay 'yung mga kalat na 'yon. Nakita ko ang butas na naming baldeng kulay bughaw. May laman nang spare parts ng mga makina ni tatay, pero pwede naman sigurong tabunan. Pagkuha ko rito. NAgmistulan akong isang invader sa kaharian ng mga langgam. Do'n pala ang kaharian nila sa bahay namin. Ano pa ba ang kukunin sa mga ganitong pagkakataon? BAYGONG! oo, Baygong. May dalawang kulay sa cabinet, 'yung asul at 'yung berde. Multi-insect killer ang berde habang mosquito killer lang ang asul. Kaya nga lang, 'yung asul na lang ang may laman. Binomba ko ang mga langgam. Namatay naman. 'Di siguro dahil sa lasong taglay ng Baygong ngunit dahil na lang siguro sa lunod.

Inilapag ko ang balde sa tabi ng nagkalat na mga styro sa labas. Kinuha ko ang walis tingining [ pinaarteng walis tingting ] sa likod. Hulaan niyo, pagbalik ko, basa na ang balde. Sino ang salarin? Ang aming matandang asong mukhang hotdog, si Heinz. Sige lang 'ka ko. Ibinalik ko na ang balde sa loob at inilabas na lamang ang basurahan namin. Napuno ko ang basurahan at inilabas na ang garbage bag sa loob nito. Itinabi ko ang walis, dust pan at ang garbage bag na puno na sa may grills ng porch. Pumasok ako para kumuha ng panibagong garbage bag. Isinilid ko ang garbage bag sa basurahan at pinulot ang basang walis tingining para magwalis muli. Teka, basa na naman? HEINZ!

Sa aking pagwawalis, pakaunti na nang pakaunti ang styro. Syempre, 'yung dating pinaglagyan nitong plastik ay naroroon pa. 'Di naman 'yun pwedeng walisin kaya dinampot ko. Hulaan niyo kung ano. Basa ang plastik. Syempe pagpulot ko, nabasa na rin kamay ko at ang basurahang pinaglagyan. Magaling. Alam niyo na naman siguro kung ano na namang kabulastugan ang ginawa ni Heinz.

Nakatapos naman ako nang matiwasay. Natapos nang mananghalian si Nanay at natapos na rin ako sa ginagawa ko. Teka, ano 'yung nasa may gate? Teka lang, may tae pa pala sila ro'n.

Pasiong Mahal ng Diyos Ama

Hambog na sangkatauhan!
Anak ko'y nilapastangan.
ANg bigay kong kabutihan,
Igaganti'y ito lamang?!

Gabriel! Ano'ng mali ko?
Masamang Ama ba ako?
'Di sana siya nagkagan'to
Kung nanatili s'ya rito.

Nagha'mon ang mga tao.
Gabriel, ika'y humayo
At iligtas ang Anak ko
Ipakitang s'ya'y totoo!

Ngunit huli na ang lahat.
Patay na ang Aking Anak!
Namatay s'yang nililibak.
Tabing sa templo'y nawarat.

Ayan, medyo na-inspire akong gumawa ng Pasiong Mahal ng Diyos Ama. Nanggaling 'yung ideya ko sa tula ni Jose Flores Lacaba. Dahil sa ilang araw kong pagpunta sa pakitan-turo ng mga aplikante sa Kagawaran ng Filipino sa Ateneo, naisipan kong gumawa nga ng tula. Dito, imbes na pait,katam at martilyo ang kausap ni San Jose, si Gabriel naman ang kausap ng Diyos Ama. Nais ko lang din ipakitang 'di lang si Hesukristo ang naghirap nang lubos. Syempre, bilang Ama, naghirap din ang Diyos sa Langit. Ayun.

"A Nation of Servants"

Dahil halos lahat e nagbibigay na ng kanilang pananaw sa ginawang kahayupan ng isang Hong Kongish writer, magbibigay na rin ako ng aking pananaw ukol sa bagay na ito. Una ko itong nabalitaan sa GMA Weekend Report, Linggo ng madaling araw, kanina pagkatapos ko manood ng Cool Center at bago ang Walang Tulugan. Siguro nga'y masakit na tawagin ang isang lahing may napakayamang kasaysayan bilang isang "Nation of Servants." Sa ating pananaw, bilang Pilipino, mali siya. Dapat siyang mag-sorry. Dapat siyang pugutan ng ulo! Makibaka!

Ngunit magsusulat ako ngayon bilang isang mamamayan ng mundo. Wala akong sinasabing mali ang tatawagin nating si Hong Kongish writer. Pero sa kanya lang ba dapat ibunton ang sisi? Wala nga ba tayong ibinigay na dahilan sa kanya para isulat niya ang gayon? May naging pagkukulang nga ba tayo?

Sa akin, masakit isiping sa dinami-dami ng mga nag-o-OFW sa ngayon, tayo pa ang nakukulangan ng manggagawa. Sa ikatlong baitang pa lamang, itinurturo na sa ating mga mumunting isipan ang terminong brain drain. Hindi ko masisising tawagin tayong "Nation of Servants" kung taun-tao'y ang inaatupag ng DOLE at ng MalacaƱang ay ang pag-e-export ng mga tao sa ibang banda para pagtrabahuhin imbes na gumawa ng paraan para magkaroon ng mas maraming trabaho rito sa Pilipinas!

Ikalawa, 'wag mong ipamumukha sa mga Tsinong, "'Wag mo kaming mamaliitin! Pinoy ako!" kung ikaw mismo'y ikinahihiya mo ang balat mo. Isang Herdy Yumul ang nagsulat noon sa Internet tungkol sa kung sino ba'ng nais maging Pilipino. Itinanong daw niya ito sa isang konggregasyon sa isang pagtitipon ng mga mag-aaral sa Asya noon. Lahay daw ay umoo. Tinawag niya ang lahat ng mga taong iyon bilang mga ipokrito. Sino ba naman daw ang magnanais maging Pilipino sa kabila ng dinaranas ng bansa ngayon? Siya pa nga mismo'y ninanais na maging ibang lahi. Sige, kung ihaharap mo ang sarili mo kay Hong Kongish writer samantalang si Herdy Yumul ang nasa likuran mo, ano'ng mukha pa ang ihaharap mo?

Isa namang Amerikanong naninirahan na sa bansa ang nag-post sa bobongpinoy.com ukol sa problema ng bansa. Siguro maaasahan ko ang kanyang pananaw dahil ibang pagtingin ang kanyang nakikita, isang pagtingin bilang isang banyaga. Sa ilang taon niyang paninirahan sa bansa, nakita niya ang kawalan ng pagmamalaki ng Pilipino sa kanyang sarili. Isa pang malalang kondisyong kanyang nakita ay ang 'di pagkakakilala ng Pinoy sa kanyang sarili. Tama! Ilan nga naman bang Pilipino ang may alam kung gaano kadesperado noon ang mga Amerikanong dakpin si Aguinaldo para sugpuin ang naging unang republika sa Asya? Sa kabila nito'y patuloy pa rin nating sinasamba ang mga "stateside" na mga produkto! Sino rin ba ang nakaaalam na bago pumunta ang banyaga rito upang turuan tayo kung paano magbilang hanggang sampu ay marunong na ang mga katutubong magbilang hanggang isandaang milyon at magdagdag, magbawas, maghati at magparami (add, subtract, divide and multiply).

Ikatlo, hindi ko sinasabing tayo lang ang may mali sa bagay na ito. Isa pang kakatwang paghahabol ng Tsina sa Spratly ang napuna ko. Sino ba namang naghahabol ang magpiprisinta ng mga dokumentong inamag na sa aparador na nagmula ma sa Ching Dynasty? Maaaring noong sinaunang mga panaho'y kanila nga ang Spratlys ngunit ang tanong, "Kanino ba ito sa ngayon?" Malinaw sa ipinagkaloob na Economic Zone sa Pilipinas ng UN noon na kasama nga ang Spratlys sa zone na iyon. Kanino ito sa ngayon? Sa atin pa ring mga Pilipino. Muli pa ngang pinagtibay ng Konggreso ng Pilipinas ang ating kapangyarihan sa Economic Zones na ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng Philppine Economic Zone Authority o PEZA. Hulyo 25, 1994 nang nilagdaan ang Republic Act No. 7916 na naglalaman ng pagkakatatag ng PEZA at naglalaman ng mga alituntuning susubaybay rito at ang mga kagamitan ng nasabing itinatag na organisasyon. At kailan lang ba nila sinabing kanila ang mga islang ito? Kung kailan nalamang may napakayamang deposito ng langis sa ilalim nito? Bakit 'di kaya nila ito hinabol dati pa? Ano'ng nagpainteres sa mga Tsino? Malamang ay ang kanilang kikitain sa langis! Siguro nga'y naiinggit lang sila dahil lahat ng deposito ng langis sa Timog-Silangang Asya ay sa Pilipinas natagpuan. Sadyang nakakatawa lang dahil maghahabol na nga lang sila, bad timing pa. Kung ako sa kanila, patatagalin ko muna nang kaunti pa dahil kung ngayon ako maghahabol, pagtatawanan lang ako ng marami dahil obvious na obvious kung ano lamang ang aking habol.

Siguro nga malaking insulto sa atin ang isinulat ni Hong Kongish writer. Sumasang-ayon ako sa paghingi ng kanyang public apology at talagang kailangan niyang humingi ng paumanhin dahil sa idinulot niyang kasiraan sa ating lahi. Ngunit sana'y makita rin nating isa na rin itong paalalang punan ang ating sariling pagkukulang. Ang mga pagkukulang na ito rin kasi ang nagbigay-dahilan sa kanya upang isulat ang gayon. Pinoy! Gumising ka sa katotohanan! Oras na upang ipagmalaki mo ang iyong sarili! Oras mo na para ikaw naman ang tumayo sa tuktok ng mundo, yukuran ang iba pang mga bansa at masabi mong, "Pilipino ako! Laban ka?!"

Kailangan kayo ng bansang ito

Hello all, Just like to help her with her Cause...

from Lilian de Vera…please read..


Two months ago I considered myself as one of those blessed
and happiest people on earth. Why not? I married a guy who
was an epitome of kindness. A guy who worshipped even the
footsteps I made. More importantly, our union blessed us with
a daughter who not only became the main source of our
happiness….more so; she was the center of our lives.

We're simple folks who led a simple life. We felt the
happiest even about mundane things and inconsequential ones
that most people would only take for granted. Our joy mostly
revolved on simple pleasures like a sudden trip to Jollibee
or a late night marauding of the fridge for any leftovers. A
perfect family with simple delights, dreams and
aspirations………until that fateful night on December 5, 2008
.The day my husband and daughter were taken away from me in a
very violent way. That Friday night on December 5, 2008
marked the beginning of all the terror, anguish and misery in
my life.

In keeping with my ritual or "panata" on every first Friday
of every month, I went to QuiapoChurchon the above mentioned
date to pay homage and respect to the Almighty One. My
husband and daughter were supposed to pick me up in
PasayCityafter which we planned on giving our daughter a
treat to Jollibee. While riding the jeep, I tried to call my
husband to tell him that I was on my way to our meeting
place. But despite all the calls I made, my husband remained
silent. A very unusual occurrence inasmuch as he seldom
missed my calls. Despite my trepidation and wonder, I took
the next jeep going home and prayed that everything was
alright. I even promised to myself that I would forgive my
husband for not answering my calls and for forgetting to pick
me up.

I felt relieved when near our place my phone rung. Such
relief was somehow only momentary….in fact the phone call I
got was the bearer of the worst news in my entire life. My
helper called, only to tell me that my husband and daughter
were shot to death by "men in uniform". The same men who were
sworned to protect innocent people from bad guys brutally
slew the two most important persons in my life. They were the
same men whose sacred duty was to preserve the lives of the
public against all harm and danger. Yet…….they were the same
men who murdered my love ones in the most cruel, savage and
inhuman way.

My husband's face was unrecognizable because he was shot in
the head at close range while he was kneeling with his head
bowed down. My daughter's young body was riddled with
bullets, one hit her head, blowing her brains out.., all from
too powerful guns and ammunitionsfired by the"men in uniform"
on two innocent and defenseless persons.

The "men in uniform" were allegedly on a mission to take some
gang of robbers victimizing people at large. The police shot
the crosswind van my husband and daughter were riding Based
on some witnesses' narration, the police sprayed bullets into
the van despite the lack of provocation or shots coming from
the van. In his last effort to save their lives, my husband
grabbed my bloodied daughter and shielded her with his body
while trying to run away from the police and tried to get
cover from a parked jeepney My husband and daughter were so
defenseless. How can you mistake a child for a robber? How
can you shot at someone who was already kneeling with head
bowed, an indication of helplessness.

My husband and daughter are gone…….forever. The pain I feel
for their lost is too much too bear. And the only thing that
motivates me to go on with life is the mission to seek
justice for their senseless killing. If the people who are
responsible for their death will be punished, if I could
bring them the justice they so richly deserve, my pain would
be alleviated. The misery I will live by will be lessened. My
husband and daughter will be vindicated and I will learn to
live the remaining years of my life in peace.

Thus: I'm asking and begging everyone who will come across
this letter/e-mail to forward the same to all your relatives,
friends, and acquaintances. Help me bring my cause to the
eyes of the people capable of steering the wheel of justice
to the right direction. Help me make the loudest cry worthy
of attention by those people in-charge in rendering justice
to those who deserve it.

Strength comes in numbers; it is where the impossible becomes
possible. It is also where the unattainable becomes
achievable.

My heartfelt gratitude for everyone who will take a moment in
their too busy lives and forward this letter/e-mail to
everyone they know. May God always protect you and your love
ones from all harm.


Lilian de Vera

21st Century: An Era of Liberation and SEX

This summary is not available. Please click here to view the post.