Tuesday, June 9, 2009

Sa Loob ng Magandang Kweba


Pumasok ako sa isang kweba
Sa loob ay kay rikit at kay ganda
Kaya nga lang ay may problema
Ito nga't sasabihin ko na

Ang aking bawat galaw
Sa kweba'y umaalingawngaw
Pati bulong ko sa balintataw
Ay nagmimistulang sigaw

Pagtapak sa buhangin
Buong kweba'y aalugin
Ang kisameng dumihin
Wari'y lilinisin

Lahat ng bumagsak na alabok
Sa'ki'y nagtumpok-tumpok
Maging mga matatalas na bato sa sulok
Aba'y sa'kin nga'y bumatok

Kahabag-habag ka ngang talaga
O kwebang kumakanta-kanta
'Di ng mga bagay na mahahalaga
Bagkus ay wala pa ngang kwenta

Ito, mga kaibigan, ang una kong pagtatangkang gumawa ng kayamanan mula sa kalabuan. 'Di ko alam kung naging epektibo o kung naipahayag ko nga ang nais kong sabihin sa isang pamamaraang mainam, sana naman kahit papa'no'y naging ayos. Sana nagustuhan niyo rin.

Para lang makatulong sa pagsusuri, ang nag-udyok sa aking isulat ito ay 'yung nangyari kanina lamang. Napadaan kami sa isang nasusunog na bahay sa Marikina habang pauwi. Nagkandatrapik-trapik ang mga bumbero at pati kami sa kapal ng tao ---nakikiusisa lang. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang Hayden Camera Sex Scandals at 'yung mga panlalait 'di umano ng mga banyaga sa ating lahi. Ayun, siguro naman gets na gets niyo na ibig kong sabihin. :p

2 comments:

  1. Sang-ayon ako sa isinulat mo rito. Sadyang nagmimistulang napakabilis na hangin ang chismis ngayon. Sa ilang sandali lamang eh alam mo na ang bagong balita.

    Halimbawa na lamang ang kaaanunsyong pagkakawala ng klase sa AHS, mabilis kumalat ang balita.

    ReplyDelete
  2. pero ang pagkalat ng huli ay isang positibong paraan ng alingawngaw ng kweba.

    siguro nga'y naging matagumpay nga ako sa paglikha ng kayamanan mula sa kalabuan.:D

    ReplyDelete