Monday, July 20, 2009

Sonetang Pinoy

Nasaan si Pinoy?
(ni Jairus Espiritu)

Nasaan ba si Pinoy?
Hindi ko s'ya makita
Saan ba s'ya naglaboy?
Ikaw, nakita mo na?
Kilala mo ba'ng simoy;
tipong Pinoy talaga?
Madalas, amoy-baboy
Minsan pa, amoy-tapa.
Ano ba talaga, hoy!
Mag-isip ka na totoy!
Amoy-tapa o baboy?
O baka naman kasoy?
Napakagulo mo, a!
Pag-isipan mo muna!


Marahil ay nagtataka kayo kung ano ang inilagay ko sa itaas. Sumubok akong gumawa ng isang Sonetang Pinoy. Napag-isip-isip lang namin ni Arzen, kung mayroong Ingles at Italyanong Soneta, bakit wala ang Pinoy? Kung kaya't kasama namin si Maky, gumawa kami ng ilang panuntunan sa panibagong uri ng panitikang Pinoy:

Ang Filipinong Soneta

Arzen Magadia, Maky Arevalo at Jairus Espiritu

Ano ang nagpapa-Filipino sa isang Soneta?

  • May detalyeng Filipino (syempre!)

  • Tugma: ABAB/ABAB/AAAA/BB

    • Tatlong buong tanaga

    • Isang kalahating tanaga

  • Pitong pantig sa isang linya

  • Labing-apat na linya

    • Maglalahad ng problema

    • Maglalahad ng pagpipilian

    • Magbibigay ng pinili

      kasama pala sa paggawa ng panuntunang ito sina Jerome Ignacio at Renzo Santos bilang moral support. :D

No comments:

Post a Comment