Tuesday, July 21, 2009

The United Catholic Church of Protestants under God and Christ (The United CCPUGAC)

KASAYSAYAN

Klase noon sa Sipnayan at ako, Ka Jairus Espiritu at si Ka David Joshua Gutierrez ay matamong nakikinig sa aming guro. Tinatalakay noong mga panahong yaon ang iba't ibang mga hugis nang biglang iguhit ni ser ang isang hexagon sa pisara. Napuspos kaming dalawa ng espiritu santo at nang gabi ring yaon ay dumiretso kami sa malapit ng Sogo Hotel at nagkulong doon ng tatlong araw. Sa loob ng tatlong araw na yaon ay pinagnilayan namin ang mga katotohanan ng ating pananampalataya at kung ano ang epekto ng tatlong araw ng di-pagligo sa tao. Sa loob din ng tatlong araw na yaon ay nakita namin ang aming pagkadiyos.

ANG LABINTATLONG DOKTRINA

MAAARING MAGING BABAE AT/O LALAKI ANG DIYOS (Bisexual kung baga)

Kung ginawa ng diyos ang tao ng lalaki at babae, dapat lamang na siya rin ay maaaring babae at lalaki. Masasabi rin nating 'di niya maipapalabas si Hesus kung hindi siya babae.

ANG DIYOS AY NASA LAHAT NG BAGAY

Dahil sa paggawa ng diyos ng mga bagay-bagay, nagkakaroon siya ng bahagi sa bawat bagay na kaniyang ginawa. Kung kaya't masasabi nating nasa lahat ng bagay ang diyos dahil nga ang diyos ang siyang lumalang sa lahat ng bagay.

DIYOS DIN SI HESUS

Dahil ang anak ng kambing ay kambing at ang anak ng baboy ay baboy rin, ang anak ng diyos ay diyos din.

DIYOS SI MARIA

Dahil nga diyos si Hesus at anak siya ni Maria, masasabi nating diyos din si Maria. Kung ang anak ay baboy, siyempre pa'y baboy rin ang ina. Si Maria ay isa lamang porma ng diyos upang mailuwal si Hesus. Dahil nga maaaring maging babae ang diyos, masasabing puwedem-puwedeng si Maria nga ay diyos din.

ANG MGA TAGAPAGTATAG AY DIYOS DIN

Naniniwala ang aming samahan sa pagkadiyos ng espiritu santo. Nang pinasukan kami ni Ka Dave ng espiritu santo sa isang klase'y naging diyos na rin kami. Dahil nga diyos ang espiritung ito at pumasok siya sa amin, diyos na rin kami.

MAY ANIM NA PANGUNAHING DIYOS

Kung kaya't mayroong anim na pangunahing diyos ang aming samahan: 2 god the founder, si Maria, si Hesus, ang espiritu santo at ang diyos.

LAHAT NG TAO AY DEMIGODS

Dahil nga nilikha ng diyos ang lahat ng tao, nagkaroon ng bahagi ng pagkdiyos ang lahat ng tao. Kung kaya't ang bawat taong aanib sa amin ay maituturing na mga demigods.

MAYROON LAMANG DALAWANG SANTO: ANG 2 GOD THE FOUNDERS

Dahil kami ang naging tagapamagitan ng katotohanan sa mga tao sa kasalukuyan ay kami lamang ang maituturing na santo o pinakabanal sa aming samahan.

ANG SEMI-HEAVEN

Kailangang magbayad ng mga kaanib sa dalawang god the founder (kami ni dave) at maging aktibo sa samahan upang mapunta ng heaven. Pero kung nagbabayad lamang sila at di-aktibo, maaari silang mapuntang semi-heaven.

PURGATORYO

Naniniwala ang samahan namin sa purgatoryo.

PAGPUNTA NG PURGATORYO

Kung ang isang kaanib ay hindi nagbayad nang sapat ay mapupunta ito sa purgatoryo.

ANG IMPYERNO

Naku! Sumali kayo kung ayaw niyong mapunta rito. Pati ang mga neutralists ay mapupunta rito kung hindi sila manampalataya sa amin.

ANG KALAGAYAN NG KALULUWA PAGKAMATAY

Naniniwala ang aming samahang ang kalagayan ng kaluluwa ng tao pagkamatay ay gas. Kung kaya't kapag napunta ng purgatoryo ang isang kaluluwa ay nasa pormang gas ito. Matapos ang 20 taon sa purgatoryo ay magiging plasma na ang estado ng gaseous na kaluluwa. Maaari namang maiwasang maging plasma ang kaluluwa at mae-extend pa ang pananatili nito sa purgatoryo kung magbabayad ang kanilang natitirang kamag-anak ng 1Milyong Piso sa mga god the founders.

ANG PINAKATAMANG DAAN
Manood tuwing alas-dos ng madaling araw sa GMA7.
'Wag paloloko sa Ang Dating Daan ni sa Ang Tamang Daan.
Mas TAMA pa rin ang PINAKATAMANG DAAN.

No comments:

Post a Comment